Monday, August 2, 2010

Sa Pagbabasa ng mga Nakaraang Tala

Nadama ang mga pasong emosyon.
At napagtanto muli ang mga noo’y alaala.

Naamoy muli ang bango,
nalasahan ang tamis at pait,
naramdaman ang akap at halik
ng mga tao at pangyayari
na bumubuo sa nakaraan.

Nakaraang nagdulot ng sakdal na kaligayahan,
kalungkutan at katuturang
nagpahusay sa buhay.

Buhay na ngayo’y ipinagpapatuloy
Bago humimlay.

Napagtanto muli ang mga noo’y alaala,
at nadama ang mga pasong emosyon,
Sa pagbabasa ng mga nakaraang tala.

No comments:

Post a Comment