Friday, April 22, 2016

Ikaw, sinong iboboto mo?

Ang daming nagtatanong sa akin niyan.

I think no one among the candidates has the noblest of intentions to serve you and me. 

Yung isa nag-give way nung 2010 sa presidente natin ngayon. So he's now pursuing his dream because he believes gunning for the presidency is his birthright (*cue tear*).

Yung isa, nung 2010 pa lang din nag-declare na, gusto niya daw baguhin ang bansa. Kasi ganito kami sa... Ayala Avenue at parking building two.

Yung isa gustong ipagpatuloy yung sinimulan nung tatay niya. Natalo kasi yung tatay niya nung 2004 in the same fight she's fighting now, kasi dinaya daw ng bongga.

Yung isa ayaw manalo si atey na flying with colors na sa mga survey bago pa man magdeclare ng candidacy. Ayaw niya daw manalo ang isang Amerikano, kaya sige na nga, go na daw siya para may kalaban (kahit mga 100 times niya sinabing ayaw niya kesyo matanda na daw siya at doon na lang siya sa lugar niya, pero mga 25 times na sinabing pwede din naman pero kakausapin niya daw muna niya pamilya niya).

Yung isa siguro, pwedeng noble yung intention niya. What else will you do after battling (and surviving?) the big C diba? Lalo pa't you've spent your whole life in government. E di make a grand comeback! Pero kasi, baka mag-ala Pope Benedict siya, na sa kalagitnaan ng term, biglang sabihin niyang ayaw na niya. E hindi naman 'to tulad ng conclave na malinis at tahimik ang proseso ng pagpili ng kapalit, diba?

Ikaw, sinong pipiliin mo? Maiging balikan natin kung bakit ba sila nagkukumahog na makuha ang boto mo. Beyond the platforms, look up what lit the fire in their ass kasi it will speak a lot about what they might and may do once they get the most coveted post of the land (na hindi naman bongga ang sweldo pero ang dami-daming gagawin at sangkatutak ang problema, di ba?)

Choose the lesser evil. And vote for the character, not just the promises. Because you can rarely change a character. And well, promises can be broken.


P.S. Sila na lang lima choices natin eh, disqualified kasi si Intergalactic. Sayang.

No comments:

Post a Comment